Saturday, September 29, 2012

Pag-ibig sa aking mga Mata


September 30
1.47am (sun.)

Minsan may taong dadating sa buhay natin,
tao na magpapabago ng takbo (nito) ng buhay natin,
sa sandling silay nakakasama
titigan ang kanilang mga mata, ngiti sa kanilang muka
di mo man sinasadya
malalaman mong sa kanila na umiikot ang mundo mo


sa oras na silay umalis
subukan man silay pigilan
wala paring magagawa
hindi mo maiintindihan
madaming mga tanong,
hindi lahat at masasagot sa pagdaan ng panahon.

tuloy parin ang buhay at tuloy parin ang pag-ikot nito
hindi mo na alam kung pano ngayong wala na sila sa tabi.
lahat ng pag-asa at mga pangarap ay mananatili na lamang.

patuloy tayong magmamahal.
makakagawa ng mga bagay
hindi dahil gusto natin silang magbalik,
hindi dahil sa ito ang naiisip mong tama o mali.
dahil nararamdaman dapat mong itong gawin.

masasabi mong kahit papaano ay natutunan at naranasan natin ang pag-ibig at magmahal ng walang hinihinging kapalit. natutong tumanggap, natutong magbigay. natutong ipaglaban (ito) at sumuko kapag sapat na.

hindi lahat ng mahal natin ay mamahalin tayo 
hindi lahat ng gusto natin ay makukuha.

No comments:

Post a Comment